Nagsampa ng kaso sa US federal court ang isang kaanak ng pasahero ng bumagsak na Ethiopian Airlines 737 Max na ikinasawi ng 157 katao noong March 10.

Base sa reklamo ng pamilya Jackson na mayroong depektibong disenyo ang Boeing kaya dapat na managot sa insidente.

Hindi naman nagbigay pa ng komento ang kumpanyang Boeing sa kasong kinakaharap nito.

Ang kaso ay siyang kauna-unahan na isinampa mula ng maganap ang insidente.

Magugunitang nagpatupad ang Boeing ng pansamantalang pagtigil sa paggamit ng kanilang 737 Max plane matapos ang nasabing insidente.

Tiniyak din ng kumpanya na kanilang aayusin na ang mga problema ng kanilang passenger jet.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here