Inaalam na ng Bureau of Internal Revenue (BIR) kung paano nakakaiwas ang mga manggagawang dayuhan sa pagbabayad ng tamang buwis.

Kasunod ito na lumabas sa pagsisiyasat ng Department of Labor and Employment (DOLE), Bureau of Immigration at PAGCOR na mayroong 56,000 na mga dayuhan ang nagtatrabaho sa Philippine offshore gaming operations o POGO at karamihan dito ay mga Chinese.

Ang nabanggit na mga manggagawa ay kumikita ng mahigit P78,000 kada buwan.

Sinabi ni DOLE Secretary Silvestre Bello titignan nila kung ang mga nabanggit na dayuhan ay nabigyan ng Alien Employment Permit (AEP).