Tuba Mayor Ignacio Rivera/ Photo courtesy of the City Government of Baguio

BAGUIO CITY – Maigting ang imbestigasyon ngayon ng pulisya ukol sa natanggap na banta sa buhay ng alkalde ng bayan ng Tuba, Benguet.

Una nang may natanggap na mensahe si Tuba Mayor Ignacio Rivera pero hindi niya raw ito ikinokonsiderang “politically motivated.”

Gayunman, sinabi ni Rivera na hindi umano siya natatakot dahil ginagawa lang niya ang kanyang trabaho.

Naiutos naman sa Tuba Municipal Police Station at Regional Anti-Cybercrime Unit ang mahigpit na imbestigasyon sa nasabing mensahe para makilala ang nasa likod at ang totoong motibo sa nasabing death threat.

Maliban dito, humingi ang alkalde ng tulong sa Commission on Elections para sa magsisilbing security assistant.

Ayon naman kay Police Maj. James Acod, hepe ng Tuba Municipal Police Station, hindi pa sila puwedeng makakuha ng police escort sa alkalde sa ngayon dahil may mga proseso na kailangang sundin.