Pia: All the achievements I have accomplished so far wouldn't be possible without you two. To my Mama and Papa, thank you for always believing in me."

Inamin ni 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach na maging siya ay nagtaka kung bakit hindi ang “winning crown” nito mula sa Diamonds International Corporation (DIC) ang hinulma sa kanyang wax replica.

Ayon sa 29-year-old Cagayan de Oro beauty, ipinaliwanag sa kanya ng Miss Universe Organization (MUO) na ito ay dahil ang Mikimoto crown na ang bagong official crown na ginagamit sa prestihiyosong pageant at siya ring most iconic crown sa loob ng ilang dekada.

“Hi! I actually asked Esther (from Miss Universe) the same question. MUO decided that this will be used for my wax figure. The DIC crown isn’t being used anymore, the Mikimoto crown is the new official crown of Miss Universe from now on and the most iconic crown out of all in the past decade. I hope this clears up any confusion!” sagot nito tanong sa comments section.

Pia and Miss France

Nabatid na lahat ay gayang-gaya sa “mirror image” ni Wurtzbach kung saan napili naman ng Madame Tussauds, isang tanyag na wax museum sa London, ang pose nito habang ipinapasa ang korona kay Iris Mittenaere ng France.

“Madame Tussauds chose this pose (where I am holding out the crown) because they wanted something interactive, where people can have their own crowning moment as Miss Universe and take pictures,” kuwento pa ni Pia.

Sa panig naman ng studio manager na si Elle Rex, nagtungo aniya talaga sa bansa ang kanilang team para makuha ng tama ang mga sukat ng third Pinay Miss Universe.

“Her (Pia) dentists even shared her dental impression with us so we can restore her teeth for the wax figure,” dagdag ni Rex.

Nabatid na 20 artists ang nagtulong-tulong sa loob ng anim na buwan para mabuo ang sinasabing P13 million wax figure ng half German beauty queen na siyang first ever Pinay na ginawaran nito.

Kahapon ng pasinayaan ang wax figure ni Wurtzbach sa Ortigas, habang isinapubliko sa isang mall sa Mandaluyong ngayong araw, bago dalhin sa museum sa Hong Kong kung saan ito permanenteng ididisplay.