CAUAYAN CITY – Tinawag lamang na fake news ng isang arsobispo ng Diocesis of Tuguegarao ang paratang na isa siyang komunista.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, naging matipid ang paliwanag ni Archbishop Sergio Utleg kung saan iginiit niya na wala siyang alam sa ipinakakalat na siya umano ay miyembro ng New People’s Army (NPA).

Nakalagay sa kumakalat na leaflets sa bayan ng Echague sa Isabela na ang anim na pari at isang obispo aymga komunista na kinabibilangan ni Utleg.

Nakasulat din sa papel ang salitang “Communist Party Fortunato Camus Command, NPA Cagayan Valley.