Siyam na sibilyan sugatan matapos magkasagupaan ang mga supporters ng dalawang mayoralty candidate sa Panglima Estino, Sulu.

Naganap ang labanan bandang alas-6:35 kaninang umaga sa Barangay Tipo-Tipo sa pagitan ng mga supporters nina mayoralty candidates Julhussin Estino at isang Gasman.

Ayon kay Western Mindanao Command (WesMincom) spokesperson Col. Gerry Besana, agad rumisponde ang mga sundalo mula sa Marine Battalion Landing Team-3 (MBLT-3) sa lugar para payapain ang dalawang grupo.

Sinabi pa ni Besana sa datos na hawak ng Wesmincom nasa 24 na mga election related violence incidents na ang naitala ng militar.

Pero ngayong araw ng halalan nasa walong election related incidents na ang naitala mula sa area ng Sulu, Maguindanao, Lanao del Sur at Zamboanga del Norte.