KALIBO, Aklan – Patay sa sunog ang 84-anyos na lolo habang nagkakaingin sa bulubunduking bahagi ng Brgy. Agmailig, Libacao, Aklan.

Kinilala ang nasawi na si Celedonio Beltran at residente ng naturang lugar.

Batay sa salaysay ng kaanak ng biktima, hinanap nila ang matanda nang hindi agad nakauwi matapos magpaalam na pupunta sa bundok upang sigaan ang mga tuyong dahon at kahoy.

Pinapaniwalaang nahilo ang matanda at nawalan ng malay hanggang sa naabot ng nasusunog na kaingin.