ROXAS CITY- Labis ang tuwa ng mga magsasaka sa Capiz nang kanilang matanggap ang 549 Emancipation Patents (EPs) at Certificates of Land Ownership Award (CLOAs) mula sa Department of Agrarian Reform (DAR) para sa kanilang sinasakahang lupa.

Maliban sa EPs at CLOA na ibinigay ng DAR ay nakatanggap rin ng dump truck at tractor ang mga magsasaka sa ilalim ng Agrarian Reform Community Economic Support Services sa tulong rin ni Presidente Rodrigo Roa Duterte.

Nabatid na umaabot sa 457 ang mga benepisyaryo ng nasabing programa.

Ayon kay DAR Secretary Atty. John Castriciones, sinabi nito na naniniwala siya na isang tunay na bayani ang mga magsasaka kaya nararapat lamang na mabigyan sila ng parangal dahil sila ang tunay na Pilipino.

Labis naman ang pasasalamat ng mga ito kay Presidente Rodrigo Duterte dahil sa pagbibigay halaga sa mga magsasaka.

Samantala, itinuturing na utang na loob ng mga magsasaka ang pagbigay sa kanila ng titulo ng lupa na pinakaunang ayuda na natanggap mula sa gobyerno.