Pia's IG acct

Tila nanumbalik daw kay Pia Wurtzbach ang “perfect feeling’ nang siya ay koronahan bilang Miss Universe noong 2015.

Ito’y matapos pasinayaan na ang wax figure ng 29-year-old Cagayan de Oro beauty sa Ortigas kanina, habang isasapubliko sa Mandaluyong bukas, bago dalhin sa museum sa Hong Kong kung saan ito permanenteng ididisplay.

Ang wax figure ni Pia ay ‘yaong isinuot niyang Swarovski-embellished royal blue ball gown ni Michael Cinco, o ang moment na kinoronahan siya bilang pangatlong Pinay Miss Universe.

“First selfie! This couldn’t be more perfect for #ThrowbackThursday! Feels like I’m reliving my crowning moment back in 2015! It’s surreal to see my wax figure in the flesh…and I’m really really honored to be the first Filipino to be part of Madame Tussauds! Dedicating this to my family, loved ones, and to all Filipinos!” bahagi ng caption ni Wurtzbach sa larawan.

Nabatid na si Wurtzbach ang pinakaunang Pinay na nabigyan ng wax statue sa Madame Tussauds, ang tanyag na wax museum sa London.

Kabilang pa sa mga high profile celebrity na ginawan ng wax statues o replica ng kanilang katauhan ay sina Johnny Depp, Jackie Chan, Brad Pitt, Angelina Jolie, Michelle Yeoh, Bruce Lee, Taylor Swift, at iba pa.