CAUAYAN CITY–Nagpapatuloy pa rin ang search and retrieval operation sa batang nalunod sa barangay Mozzozzin Sur, Santa Maria, Isabela.

Ang biktimay ay si Jomel Gatan, 13 anyos, Grade-8 at residente ng nabanggit na lugar.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo radyo Cauayan sa Santa Maria Police Station, bago ang insidente ay naliligo ang biktima sa gilid ng ilog kasama ang kanyang pinsan na si Dale Massigan, 12 anyos.

Makaraan ang ilang sandali ay nalunod ang biktima.

Nagsasagawa na ng search and retrieval operation ang mga kasapi ng Santa Maria Police Station, katuwang ang Municipal Disaster Risk Reduction Management Council, BFP at BPATS.