BAGUIO CITY – Patay ang isang pulis habang isa ang sugatan matapos nilang makasagupa ang mga kasapi ng New People’s Army (NPA) sa Mt. Kapuwaw, Bagnen Proper, Bauko, Mountain Province nitong Biyernes ng umaga.

Nakilala ang namatay na si Pat. Wilfredo Padawil, taga Tetep-an, bayan ng Sagada, na binawian ng buhay habang ginagamot sa Luis Hora Memorial Hospital.

Nagpapagaling naman sa pagamutan ang kasamahang pulis na si Police Cpl. Irpeel Lapniten na taga-Bugias, Benguet.

Ayon kay Police Maj. Bernard Wong mula sa Investigation Section ng Mountain Province Police Office, nagsagawa operasyon ang 152nd Company Regional Mobile Force Battalion sa nabanggit na lugar kasabay ng pagdiriwang ng NPA ng kanilang anibersaryo.

Aniya, nagkaroon ng mahigit 15minutong bakbakana ang magkabilang panig.

Nagpapatuloy pa ang clearing operations ng mga pulis sa nasabing lugar.